Biyernes, Setyembre 4, 2015

"SABIK"

Sabado ngayon, kaarawan ko pero wala ang mga magulang ko dahil nasa trabaho sila. Binigyan lamang nila ako ng pera upang ako nalang ang bumili ng gusto ko.Nasasabik na akong magshopping. Binilisan ko ang pagkilos ko. Tumakbo ako palabas ng bahay. Sumakay ako ng jeep.

Pagpasok ko sa Mall, dumiretso ako kung saan naka display ang mga magagarang damit. Sinukat ko ang napili ko. Isang bestida na bulaklakin na kapag sinuot ko'y parang susundan ako ng mga paru-paro. Pumili na rin ako ng sandal na kung iimaginin mo parang glass sandal ni Cinderella. Sumunod ay pumunta ako sa Watch Section. Sinukat ko ang relong napili na hiling ko'y sana ay pwedeng maging time machine.

Bigla kong naalala ang cake kaya pumunta ako sa Red Ribbon para bumili. Palabas na ako ng Mall nang biglang tinawag ako ng gard at dinala sa opisina ng manager. Nakalimutan ko palang bayaran ang bestida, sandal at relo. Suot-suot ko pa ito ngayon. Binuksan ko ang bag ko para kunin ang walet ko pero napansin kong nawawala ito. Kinabahan ako, galit na galit na ang manager.

Natakot ako kaya pinikit ko ang mga mata ko. Nagising nalang ako nang biglang nagvibrate at tumunog ng malakas ang phone ko kaya kinuha ko ito at pinatay ang alarm clock.